
Tatlong indibidwal ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa CALABARZON dahil sa ilegal na pagbebenta ng e-wallet at financial accounts online.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Ron,” 21-anyos, inaresto noong June 3 sa Lucena City; alyas “May,” 41-anyos, dinakip noong June 5 sa Calamba City; at isang alyas “Allen,” 29-anyos, na naaresto nito lamang June 7 sa Antipolo City.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act of 2024 (RA 12010) at Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175).
Ayon kay Brig. Gen. Bernard R. Yang ng PNP ACG, patuloy ang kanilang operasyon laban sa ganitong gawain na ginagamit sa panloloko at iba pang uri ng krimen.
ADVERTISEMENT



