
Arestado ang isang 32-anyos na lalaki na kinilalang si alyas “Argos” sa isang entrapment operation ng Regional Anti-Cybercrime Unit 4A sa Lucena City, Quezon.
Nahuli si “Argos” habang ilegal na nagbebenta ng mga e-wallet o online payment accounts gamit ang mga rehistradong SIM card.
Dahil dito, mahaharap si Argos sa kasong paglabag sa Section 5(d) ng Anti-Financial Account Scamming Act (RA 12010) at Section 6 ng Cybercrime Prevention Act (RA 10175).
ADVERTISEMENT
Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group Acting Director BGen. Bernard Yang, ang mga ganitong aktibidad ay ginagamit ng mga scammer para itago ang kanilang pagkakakilanlan.
Hinimok niya ang publiko na makipagtulungan sa awtoridad at agad i-report sa pulisya ang anumang kahina-hinalang online activities.




