Online gambling platforms, naglipana na sa ibang online applications ayon kay Sen. Erwin Tulfo | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Hindi pa tapos ang laban ng gobyerno kontra sa mga online pasugalan dahil nagsisilabasan naman ngayon ang e-gambling platforms sa iba’t ibang online applications, ayon kay Senate Committee on Games and Amusement chairperson Senador Erwin Tulfo.

Mababatid na kumalas na sa online gambling sites ang mga e-wallet companies nitong weekend alinsunod sa itinakdang deadline ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pero paliwanag ngayon ni Sen. Erwin Tulfo, ilang online gambling apps gaya ng Bingo Plus ay nag-abiso sa kanilang mga parokyano na muli nang accessible ang kanilang mga online games sa Viber.

Ayon pa kay Tulfo, available o nakalink din ang iba pang gambling apps sa Telegram, Lazada, at iba pa.