Online duty at tax calculator, inalis na ng BOC kasunod ng reklamo ni Bella Padilla

📅

Tinanggal na ng Bureau of Customs ang website ng kanilang customs online duty and tax calculator upang isailalim pa sa masusing pagsasaayos ng sistema.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, ito’y para mas mapakinabangan pa ng publiko ang naturang platform. Igiit pa ni Nepomuceno na hindi tiyak ang computations ng calculator dahil hindi maipapakita ang lahat ng singil na itinatakda ng customs modernization and tariff act.

Samantala, tiniyak naman ng BOC na aayusin nila ang sistema para maiwasan ang kalituhan ng publiko. Magugunitang nagreklamo ang Aktress na si Bela Padilla dahil malaki ang siningil sa kanyang tax ng customs para sa kanyang shipment kaiba sa kanyang kinwenta gamit ang tax calculator ng BOC.