Online duty at tax calculator, inalis na ng BOC kasunod ng reklamo ni Bela Padilla | News Light

📅

Tinanggal na ng Bureau of Customs (BOC) ang website ng kanilang Customs Online Duty and Tax Calculator upang isailalim pa sa masusing pagsasaayos ng sistema.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, ito’y para mas mapakinabangan pa ng publiko ang naturang platform.

Iginiit pa ni Nepomuceno na hindi tiyak ang computations ng calculator dahil hindi maipapakita ang lahat ng singil na itinakda ng Customs Modernization and Tariff Act.

Samantala, tiniyak naman ng BOC na aayusin nila ang sistema para maiwasan ang kalituhan ng publiko.

ADVERTISEMENT

Magugunitang nagreklamo ang aktres na si Bela Padilla dahil malaki ang siningil sa kanyang tax ng Customs para sa kanyang shipment, kaiba sa kanyang kinuwenta gamit ang tax calculator ng BOC.