One Anointed Worship Canada, umani ng dalawang nominasyon sa parating na Canadian Selah Music Awards | News Light

📅

Nominado sa dalawang category ang One Anointed Worship Canada na pinangungunahan ng multi-awarded Filipino Christian songwriter, composer, music producer, at worship pastor na si Danny Estioco.

Nakuha nila ang nominasyon para sa Canadian Duo, Band or Choir of the Year at Canadian CCM Album or EP of the Year.

Ayon sa grupo, iisa ang kanilang layunin—ialay ang kanilang talento at papuri sa Panginoon na siyang pinagmulan ng lahat.

Suportahan natin ang One Anointed Worship. Isa sa kanilang mga awit ay ang “New Psalm.” Si Pastor Danny rin ang sumulat ng Tagalog worship anthem na “Awit ng Pagsamba.” (Benedict Quejado/News Light)