Ombudsman, pinagpapaliwanag si VP Sara Duterte kaugnay ng kanyang plunder case

📅 June 23, 2025 11:54 AM PHT  |  ✏️ Updated June 23, 2025 11:54 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Saga ni Sara

Inatasan ng Ombudsman si Vice President Sara Duterte at ilang kasama na magpaliwanag sa mga kasong plunder, technical malversation, at korapsyon kaugnay sa umanoy pag-abuso sa confidential funds.

Kabilang sa mga pinagpapaliwanag ang kaniyang chief of staff na si Zuleika Lopez, disbursing officer Gina Acosta, ilang dating DepEd officials, at security chief na si Col. Raymund Lachica.

Kinumpirma ni Ombudsman Samuel Martires ang utos at sinabing may sampung araw silang palugit para maghain ng counter-affidavit at ebidensya.

Babala ng Ombudsman, ituturing na pagkawala ng karapatang magpresenta ng ebidensya ang hindi paghaharap at pagbibigay ng sagot.

Habang wala pa namang komento ang opisina ni Duterte pero nauna na naman niyang iginiit na politikal ang motibo sa isyu.