Oil price hike, aarangkada ngayong Aug. 26

📅

Dagdag-presyo ang sasalubong sa mga motorista bukas, Martes.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, pinakamalaki ang iaakyat ng gasolina na nasa ¢70 ang dagdag sa bawat litro.

¢30 naman ang taas sa kada litro ng kerosene.

Habang ¢50 ang taas sa bawat litro ng diesel.

ADVERTISEMENT

Bunsod ang bagong oil price hike ng pagbaba ng oil stocks sa estado unidos dahil sa pagbuti ng refined demand at patuloy na hidwaan sa Iran at Israel.