
Sama-samang gumawa ng ingay o noise barrage ang mga persons deprived of liberty (PDL) na nakapiit sa Malabon City Jail kahapon.
Ito ay bilang protesta nila sa kakulangan ng pagkain at kawalan ng maayos na sistema sa pagtanggap ng mga dalaw. Sinamahan ang pag-iingay ng paghahagis ng karton, mga bote at iba pa mula sa rooftop ng bilangguan.
Ang noise barrage na tumagal ng halos dalawang oras ay sinadya ng mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ng mismong Malabon City Mayor Jeannie Sandoval para umano personal na marinig ang hinaing ng mga PDL.
ADVERTISEMENT
Solusyon ni Sandoval ang pangakong tulong gaya ng food packs para sa lampas 500 na mga PDL—pati ang kapakanan ng mga pamilya ng mga ito para maibsan ang kanilang pag-aalala habang nasa loob.
Gayunpaman, mag-iimbestiga ang BJMP hinggil sa reklamo ng mga PDL dahil pangatlong beses na ng naganap ang ganitong noise barrage. Inibak naman sa pwesto ang kasalukuyang jail warden at papalitan ni Chief Inspector Lucky Dionisio. (Denniel Salayo/ News Light)




