Naghain si House Majority Leader at Ilocos Norte First District Rep. Sandro Marcos ng panukalang batas na magpapatupad ng “no work, no pay” para sa mga miyembro ng Kongreso at Senado.
Sa ilalim ng House Bill No. 7432, babayaran lamang ang mga mambabatas sa mga araw na sila ay present at aktibong gumaganap ng opisyal na tungkuling lehislatibo.
Ayon kay Sandro Marcos, layon ng panukala na tiyaking napupunta sa mga opisyal na tumutupad sa kanilang trabaho ang pondo ng bayan.
Kasama sa bibilangin bilang “opisyal na tungkulin” ang pagdalo sa plenary session, paglahok sa committee hearings, at iba pang opisyal na gawain ng Kongreso.
ADVERTISEMENT
Gayunpaman, may mga safeguard pa rin ang panukala tulad ng mga valid na sick leave at official representation sa mga dadaluhang event, habang paparusahan naman ang mga mamemeke ng kanilang attendance claims.



