No rescue policy ipatutupad sa albay oras na makapasok na ang bagyong opong sa lalawigan; preemptive evacuation, ipinag utos

📅

Nagbabala si Albay Governor Noel Rosal na magpapatupad sila ng no rescue policy sa lalawigan oras na maglandfall na doon ang bagyong Opong.

Sa halip, ayon sa gobernador, dapat ay sumunod ang lahat ng residente sa ipinapatupad na preemptive evacuation sa labing walong local governments ng probinsya.

Target ng albay ang zero casualty sa kabila ng banta ng direktang epekto ng bagyo.