No-parking sa mga kalsada ng Metro Manila, posibleng ipatupad sa Setyembre

📅

Posibleng ipatupad ang malawakang no-parking scheme sa lahat ng lungsod sa Metro Manila pagdating ng Setyembre.

Ito ngayon ang napagkasunduan sa pagpupulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Metro Manila Council sa Camp Crame.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, magtatayo ng Technical Working Group (TWG) para tukuyin kung aling mga kalsada ang sakop ng panukala.

Ilan sa mga ikinokonsiderang oras ng pagbawal ng pagpaparada ay mula 5 A.M. hanggang 10 P.M., o kaya’y 7 A.M. hanggang 10 A.M., at 5 P.M. hanggang 8 P.M., batay sa panukala ng MMDA.

Tiniyak naman ni MMC President at San Juan Mayor Francis Zamora na mananatili ang implementasyon ng Mabuhay Lanes.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ni Zamora, magtatalaga ang bawat LGU ng kinatawan sa TWG para tukuyin kung saan pwede ang no-parking, time-limited, o one-side parking.

Giit ni Remulla, ang intensyon ay gawing mas livable ang Metro Manila.

Inaasahang magkakaroon na ng final version sa September 1.