Walang hospital arrest para sa dating kongresista na si Arnolfo Teves Jr., ayon yan mismo kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Kinumpirma ng Philippine General Hospital na puwedeng ilipat sa kulungan si Teves matapos siyang ideklarang fit for detention ng mga doktor.
Giit ni Remulla, walang special treatment sa loob ng selda katulad siya ng iba pang persons deprived of liberty.
Siniguro rin ng BJMP ang kaligtasan ni Teves at lahat ng nasa kustodiya nito.