Pinabulaanan ni Nicholas Kaufman, ang lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga ulat na natagpuan umano itong walang malay sa kanyang silid sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Ayon kay Kaufman, pirming nag-aantay lamang si Duterte sa hatol ng ICC Appeals Chamber tungkol sa interim release nito.
ADVERTISEMENT
Kasunod ito ng mga posts kamakailan sa social media na nagsasabing unconscious nang natagpuan ang dating presidente sa kwarto nito; wala din naman umano nakarating na ganitong ulat sa mga pinoy sa The Netherlands, habang patuloy ang pagtitipon ng mga ito sa labas ng Scheveningen Prison sa The Hague para sa panawagang paglaya ni Duterte.
Naka-schedule na mag-hearing ang ICC Appeals Chamber sa November 28 para sa hatol nito hinggil sa pabawi ng naunang ibinasurang apela ng Pre-Trial Chamber 1 para sa interim release ni FPRRD.



