NFA, magbubukas ng bagong bodega sa mga probinsya para suportahan ang lokal na magsasaka | News Light

📅 June 25, 2025 12:46 PM PHT  |  ✏️ Updated June 25, 2025 12:51 PM PHT
👤 Dawn Pamulaya  |  📂 Balitang Probinsya, Latest News, News Light

Inanunsyo ng National Food Authority (NFA) na magbubukas sila ng bagong ayos na bodega sa Cabanatuan sa darating na Biyernes upang mas matulungan ang mga lokal na magsasaka ng palay.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, pinabilis nila ang pagkukumpuni ng mga bodega upang mas maisalba ang ani habang patapos na ang harvest season sa bansa.

Dagdag pa ni Lacson, bukod sa Cabanatuan, nakapagbukas na rin ang ahensya ng mga bagong bodega sa Bulacan, Isabela, Nueva Vizcaya, Albay, at Dipolog.

Samantala, lumampas na ang NFA sa target na procurement ng palay, na umabot sa 5.4 milyong sako kumpara sa 3.97 milyong target.

Sa ngayon, ang kasalukuyang imbentaryo ng bigas ng NFA ay sapat para sa 11.5 araw ng pambansang rice buffer stock.