Newly renovated fishport complex sa Iloilo, pinasinayaan ni PBBM; 10 modernong fishports sa bansa, target pang itayo

📅

Pinasinayaan ni PBBM ang inagurasyon ng bagong rehabilitate na fishport complex sa Iloilo City ngayong August 18.

Tampok sa P885 million rehab project ang modernong pasilidad at mas mataas na kapasidad para sa sector ng pangingisda.

Aabot sa 1400 industry players ng Western Visayas ang inaasahang makikinabag sa naturang fishport para sa mas kunektadong fishery supply chain mula dagat hanggang sa palengke.

Pangako naman ni PBBM na magtatayo pa ng hindi bababa sa sampung modernong fish ports nationwide para sa mahigit 2.2 million mangingisda sa bansa.