Arestado sa Pagadian City ang isang alyas mike sa kasong inciting to sedition dahil sa isang malisyosong social media post na animo’y may pagbabanta sa buhay ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa National Bureau of Investigation nakarating sa kanila ang post ng naturang netizen na nagbahagi ng larawan ni Pang. Ferdinand Marcos.
May caption ito na “headshot” at may muwestrang itinuturo ang ulo ng pangulo.
October 7 nang matuntunon ng NBI agents ang suspek na umaming siya nga ang nagpost.
Depensa nito, biro lamang daw ang post at saka binura na niya ito.
ADVERTISEMENT
Gayunpaman ayon sa NBI, bagamat may freedom of expression ang netizens online hindi dapat tumawid ang mga pahayag sa pagbabanta sa buhay ng iba.
Posible namang maharap hanggang sa anim na taong pagkakakulong ang suspek.



