Netanyahu, suportado ang peace deal ni Trump para tapusin ang Gaza war; Hamas, pinag-aaralan na ang panukala

📅  |  ✏️ Updated

Nakuha na ni U.S. Pres. Donald Trump ang suporta ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu para sa U.S. sponsored peace deal na layong tapusin na ang gyera sa Gaza.

Matapos ang pulong kay Netanyahu sa White House nitong Lunes, inanunsyo ni Trump na malapit nang maabot ang kapayapaan sa Gaza strip magdadalwang taon magmula nang sumiklab ang digmaan doon.

Kasama sa peace deal ang agarang tigil putukan pagpapalit ng hostages sa magkabilang panig.

Pag atras ng Israel sa Gaza at pagtatanggal ng armas sa Hamas.

ADVERTISEMENT

Pinag aaralan naman ngayon ng Hamas ang kanilang tugon matapos matanggap ang peace deal proposal ng Amerika na ipinadala ng negotiatiors sa Qatar at Egypt.