Nepal PM Oli, nagbitiw na sa puwesto sa gitna ng matinding protesta laban sa korapsyon

📅

Nagbitiw na si Nepal Prime Minister KP Sharma Oli sa gitna ng lumalalang anti-corruption protest ng mga residente sa Kathmandu.

Tinutuligsa ng mga kabataan ang umano’y malawakang korapsyon at pagba-ban ng pamahalaan sa social media na lalong nagpalala ng karahasan.

Sa kanyang resignation letter, sinabi ni Oli na uurong siya para sa pampulitikang solusyon at dayalogo.

Nitong martes, hinarang ng mga demonstrador ang parliament at sinunog ang bahay ng mga opisyal kabilang na ang kay Oli.

ADVERTISEMENT

Ipinasara na rin ang Kathmandu airport, dahil sa kapal ng usok sa lungsod.

Hindi naman bababa sa labingsiyam ang namatay at higit isandaan na ang sugatan.