Nasasangkot ang pangalan ni negosyanteng Charlie “Atong” Ang sa pagkawala ng ilang sabungero.
Ayon kay alyas Totoy, na nagpakilalang si Julie Dondon Patidongan, dating head ng security ng isang sabungan, maliban kay Ang, kabilang din umano sa mga prime suspect sina Eric “Delay” Rosa at Engr. Celso Salazar.
Si Delay Rosa umano ang nagmomonitor ng sabong at kapag may nambibiktima o nandaraya, ipinaaalam ito kay Ang.
Pagkatapos ay pinaguusapan umano ito nina Ang at Salazar bago umano ipag-utos na “iligpit” ang mga sangkot.
Dawit din umano ang aktres na si Gretchen Barretto, na sinabing alam ang lahat ng nangyari dahil madalas umano siyang kasama ni Ang.
Isiniwalat din ni Patidongan na pinipilit umano siyang papirmahin ng kampo ni Ang sa isang affidavit para bawiin ang lahat ng kanyang isinaysay kapalit ng ₱300 milyon. (Sarah Lagsac-Arsenio/ News Light)