Negosyanteng senior citizen na biktima ng kidnap for ransom sa Quezon City, nasagip na ng PNP

📅

Nasagip ng PNP-Anti Kidnapping Group ang isang 68 anyos na Filipino-Chinese businesswoman na binihag ng siyam na araw matapos sumama sa pagwi-withdraw ng pera sa bangko ang mga suspek.

Ayon kay Interior chief Jonvic Remulla, dinala ng mga suspek ang biktima sa isang bangko sa Quezon City para mag-withdraw ng P8.1 million.

Agad namang nakatawag ang bank staff sa 911 at sa loob lamang ng dalawang minuto, naka-responde agad ang PNP-AKG at nahuli ang mga suspek.

Sa kasunod na operasyon, naaresto din ang walo pang suspect kabilang ang tatlomg dating militar kung saan nakumpiska ang mga baril at halos kalahating milyong piso.

ADVERTISEMENT

Nakaligtas na walang galos ang biktima at naka-uwi na sa pamilya.

Sasampahan naman ng kasong kidnapping-for-ransom ang mga suspek.