Nagpakitang-gilas ang mga manlalangoy ng National Capital Region (NCR) sa ika-65 Palarong Pambansa matapos magtala ng mga bagong rekord sina Titus Rafael Sia at Sophia Rose Garra sa kompetisyong ginanap sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium noong Martes.
Si Sia mula Xavier School ay nanaig sa elementary boys’ 200m freestyle sa oras na 2 minutes and 07.86 seconds, binura ang dating rekord na 2 minutes and 08.12 seconds noong 2013.
Nagwagi rin siya sa 100m backstroke sa oras na 1 minute and 05.44 seconds, na mas mabilis kaysa sa rekord noong 2015.
Samantala, si Garra ng De La Salle University ay nagtala rin ng bagong rekord sa elementary girls’ 100m backstroke sa oras na 1 minute and 07.61 seconds at 2 minutes and 17.62 seconds sa 200m freestyle.