NBI chief Jaime Santiago, hihintay na lang ang pinal na desisyon ng Malacañang ukol sa kaniyang irrevocable resignation

📅

Kinumpirma ni National Bureau of Investigation o NBI chief Jaime Santiago
na hinihintay na lamang niya ang pinal na desisyon tungkol sa kaniyang posisyon sa ahensya.

‘Yan ay matapos kumpirmahin ng Palasyo na ang kaniyang “irrevocable resignation”
ay nakabinin sa pormal na pagtanggap ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Binigyang diin ni Santiago na patuloy niyang gagampanan ang kaniyang mandato
hangga’t wala pang naitatalaga bilang kaniyang kapalit.

Binasag na rin ni Santiago ang kaniyang katahimikan kaugnay naman sa aniya’y
mga natatanggap niyang paninira, at sinabing maging si Justice chief Crispin Remulla
ay alam ang tungkol sa isyung pinapagalitan nito ang mga kawani ng himpilan.