Bigo nanaman ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) na matagpuan ang negosyanteng si Atong Ang matapos puntahan ang isang beachfront property sa Barangay Pundaquit, Zambales, Martes ng hapon.
Dala ng mga ahente ang warrant of arrest para sa kidnapping at serious illegal detention na inilabas ng Regional Trial Court Branch 26 ng Sta. Cruz, Laguna, ngunit hindi natagpuan ang high-profile na personalidad sa nasabing lugar.
Tanging caretaker at mga construction worker lamang ang naabutan ng mga otoridad, ngunit tumanggi ang mga ito na magbigay ng pahayag.
Wala pa ring pahayag ang NBI kung ano ang mga susunod nilang hakbang habang nananatiling hindi alam ang kinaroroonan ni Atong Ang.



