Nakatakdang magsimula sa Hulyo ang sampung araw na nationwide voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Hinimok ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia ang publiko na magparehistro para sa BSKE na isasagawa sa Disyembre 1.
Bukod sa mga bagong botante, bukas din ang registration para sa mga nais mag-reactivate at mag-transfer ng registration.
Ito ay sisimulan sa huling linggo ng Hulyo at magtatapos sa unang linggo ng Agosto.
Nasa 1 milyong bagong botante ang inaasahan ng Comelec na magpaparehistro para sa Barangay at SK elections.