
Pinarangalan bilang Magna Cum Laude si Trisha Macalagay, isang beauty kontesera mula Laguna at BS Biology student ng Laguna State Polytechnic University (LSPU).
Matatandaang si Trisha ay nasawi sa sunog na sumiklab sa kanilang paaralan noong Marso ng kasalukuyang taon matapos ma-trap sa loob ng banyo ng CAS Building.
Sa ginanap na graduation ceremony ng LSPU, personal na tinanggap ng kanyang mga magulang at mga kapatid ang kanyang parangal at medalya bilang Magna Cum Laude.
Umani naman ito ng masigabong palakpakan at emosyonal na pagsaludo mula sa mga dumalo, bilang pagpupugay sa husay at dedikasyon ni Trisha sa pag-aaral.