Hinatulan ng Sandiganbayan ng guilty sa anim na kaso ng malversation at anim na kaso ng graft ang negosyante at tinaguriang utak sa pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.
Ito ay kaugnay ng maling paggamit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating Benguet Representative Samuel Dangwa mula 2007 hanggang 2010.
Sa desisyong inihain noong December 5, hinatulan si Napoles ng anti-graft court ng reclusion perpetua o 20 hanggang 40 taong pagkakakulong dahil sa dalawang kaso ng malversation.
Nahaharap rin si Napoles sa 17 taong pagkakakulong dahil sa apat pang kaso ng malversation, at anim hanggang 10 taong pagkakakulong para sa mga kasong graft.
ADVERTISEMENT
Natagpuan ng korte na inilipat nina Napoles at ng iba pang sangkot ang PDAF na para sa kabuhayan at proyekto sa Baguet papunta sa kanilang mga non-government organizations.
Kabilang rin sa natagpuang guilty ay sina Erwin Dangwa, staff ng pumanaw na Benguet Representative, dating Technology Resource Center Deputy Director General Dennis Cunanan, at CARED President Mylene Encarnacion.



