Isang bagong pag-aaral ang nagmumungkahi na ang mga antibody-like compound na karaniwang natatagpuan lamang sa mga hayop tulad ng alpaca, llama, at camel ay maaaring magamit sa paggamot ng mga sakit sa utak ng tao gaya ng Alzheimer’s disease.
Ang mga tinatawag na “nanobodies” ay mas maliit kaysa sa karaniwang antibodies, dahilan kung bakit mas epektibo at may mas kaunting side effects sa mga pagsubok na isinagawa sa mga daga.
ADVERTISEMENT
Ayon sa ulat na inilathala sa Trends in Pharmacological Sciences, nakapagtala ang mga siyentipiko ng mas magagandang resulta sa paggamot ng mga neurological conditions gamit ang mga naturang protina.
Layunin ngayon ng mga mananaliksik na paunlarin pa ang teknolohiya upang matiyak ang kaligtasan nito para sa paggamit ng tao.




