NAIA green lane scanning, sinuspinde para pabilisin ang customs clearance | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Inanunsyo ng Bureau of Customs (BOC) nitong Huwebes ang pansamantalang suspensyon ng clearance procedure sa ilalim ng green lane upang mapadali ang customs clearance ng mga pasahero sa mga paliparan.

Simula kahapon, Agosto 14, ang mga biyahero sa green lane ay hindi na kailangang magpa-scan ng kanilang QR code.

Mananatili naman ang QR code scanning at karaniwang proseso ng customs clearance para sa mga nasa red lane, kabilang ang may “something to declare” at mga napili para sa inspeksyon.