Nabasurang wage hike bills, isinisisi ng Kamara sa Senado na ayaw magpatawag ng bicam

📅 June 13, 2025 11:35 AM PHT  |  ✏️ Updated June 13, 2025 11:35 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Lifestyle

Isinisisi ng Kamara sa Senado ang nabasurang panukalang wage hike.

Ayon kay House of Representatives spokesperson Princess Abante, hindi anya gusto ng Senado na magconvene ng bicameral conference committee para sana pag isahin ang bersyon ng dalawang kapulungan.

Matatandaandaang ipinasa ng Senado ang 100 pesos na dagdag sa minimum wage sa bansa na anya ay masyado namang mababa para sa ilang kongresista na nagpasa ng P200 wage hike.