
Kasado na ang muling paghaharap nina Pinay tennis sensation Alex Eala at World No. 2 Iga Świątek sa Madrid Open.
Ito ay matapos talunin ni World No. 72 na si Eala kahapon ang kanyang kalaban na si Viktorya Tomova sa unang round ng main draw, 6-3, 6-2.
Matatandaang tinalo na ni Eala si Świątek sa Miami Open sa Amerika noong nakaraang buwan na kung saan ginulat ng dalaga ang mundo sa naturang upset.
Nauna nang umusad si Świątek dahil sa bye o awtomatikong pagpasok dahil walang nakaharap na kalaban ito sa unang round ng Madrid Open.
ADVERTISEMENT



