Binusisi ni Sen. Erwin Tulfo ang umano’y pagbabalik ng pork barrel system.
Sa pagdinig ng senado, inilantad ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan na nakakapag-request na ang mga mambabatas ng pondo para sa mga proyekto sa National Expenditure Program bago pa ito isumite sa kongreso.
Giit ni Tulfo, ebidensiya ito na may mga budget insertions talaga na nagaganap hindi lang sa bicameral conference committee kundi mismong sa national expenditure program pa lang.
Ipinaalala naman ng senador, na idineklarang unconstitutional ng korte suprema ang pork barrel o PDAF noong 2013, matapos sumabog ang pork barrel scam.



