Grandest parade for Queen CJ!
Mainit na sinalubong ng mga Pinoy si Miss Grand International 2024 Christine Juliane Opiaza sa kanyang grand homecoming parade sa Mall of Asia nitong Lunes, June 9.
Stunning at mala-dyosa ang ganda ni CJ suot ang green and golden gown na disenyo ni Mak Tumang na siya ring suot ni CJ sa kanyang coronation ceremony sa Bangkok, Thailand.
Hindi alintana ng mga taga-subaybay ng beauty queen ang sama ng panahon masilayan lamang ang kauna-unahang queen ng Pilipinas para sa Miss Grand International.
ADVERTISEMENT
Kasama rin sa parada ang presidente ng MGI na si Nawat Itsaragrisil.
Matatandaang si CJ opiaza ang first-runner up kay Rachel Gupta ng India ngunit dahil sa hindi pagkakaunawaan mula sa MGI management nagbitiw sa pwesto si Gupta, dahilan para ilipat kay Opiaza ang titulo.



