Extended ang operasyon ng MRT-3 at LRT-2 ngayong paparating na holiday season.
Mapapaaga ang operasyon ng unang trip ng MRT-3 sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon, December 24 at 31, na magsisimula ng 4:30 a.m at ang huling trip nito ay alas-7:45 ng gabi sa North Avenue Station.
Sa Taft Avenue Station, magsisimula ang unang trip ng 5:05 a.m. at itinakda ang huling trip sa 8:23 p.m.
Babawi naman ito sa araw ng Kapaskuhan at Bagong Taon, December 25 at January 1, na may unang trip sa North Avenue na 6:30 a.m. at last trip na 10:30 p.m.
Sa Taft Avenue Station, ang operasyon ay mula 6:30 a.m. hanggang 11:09 p.m.
ADVERTISEMENT
Sa operasyon naman ng LRT-2, hindi magbabago ang oras ng pagsisimula ng kanilang serbisyo.
Gayunman, sa December 9 at 25, ang huling tren mula Antipolo Station ay hanggang 10:00 p.m., habang sa Recto Station ay hanggang 10:30 p.m.
Sa bisperas ng Pasko, mapapaaga ang huling tren mula Antipolo Station na 8:00 p.m. at mula Recto Station na 8:30 p.m. Sa bisperas ng Bagong Taon, ang huling tren mula Antipolo Station ay 7:00 p.m. at mula Recto Station ay 7:30 p.m. (Austin Gonzaga/News Light)



