MPD, itinanggi ang alegasyon ng pagmamaltrato sa mga menor de edad

📅

Sinabi ng Manila Police District na maaaring makasuhan bilang kriminal ang mga edad 15 hanggang 17 na inaresto sa riot noong linggo.

Batay kasi sa assessment ng DSWD ay may sapat silang pang-unawa sa kanilang ginawa.

Itinanggi rin ng MPD ang mga paratang ng pagmamaltrato sa mga menor de edad na inaresto.