Nahaharap sa siyamnapung araw na preventive suspension ang driver’s license ng isang motoristang nag viral na nay kandong sa driver’s seat na isang bata habang pinag mamaniubra ng umaandar niyang kotse.
Ayon kay Transport Chief. Vince Dizon, makikita sa video na tinuturuan ng motorista ang “baby driver” na magmaneho ng sasakyan sa Parañaque City. Giit ng kalihim, mahigpit na ipinagbabawal ng batas trapiko ang pagmamaneho ng walang student permit, lalo’t isang bata lamang ang nagmamaniubra ng sasakyan.
Babala pa ni Dizon, hindi lang suspensyon ang maari kaharapinng motorista kundi ang posibleng pagkakakulong alinsunod sa paalala ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. na mag iingat ang mga motorista sa pagmamaneho.
Ipinatawag na ng LTO ang viral na motorista para sa isang show cause order sa august twenty upang pagpaliwanagin kung bakit hindi dapat kasuhan ng paglabag sa reckless driving at imptoper person to operate a motor vehicle sa ilalim ng Republic Act. 4136 ang pasaway na motorista.



