Inaapura na ng Land Transportation Office ang pamamahagi ng mga plaka ng sasakyan, alinsunod sa ultimatum ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa CALABARZON, mahigit 800-thousand ang backlog sa plaka ng mga motorsiklo at kasama sa mga apektado ay mga tricycle driver na taon ang binibilang para makuha ang kanilang plaka.



