
Naaresto ng Balayan Municipal Police ang isang Regional Most Wanted Person na nahaharap sa kasong 2 counts of Rape.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 11, Balayan, Batangas, noong May 16, 2025 para sa paglabag sa Anti-Rape Law of 1997 (RA 8353) at RA 11648, batas na nagbibigay ng mas matibay na proteksyon laban sa rape at pang-aabuso.
Ayon sa pulisya, gumamit sila ng Alternative Recording Device (ARD) para masiguro ang transparency at pagrespeto sa karapatan ng suspek sa buong proseso ng pag-aresto.