Nais ng MMDA na makipag-usap sa mga motorcycle rider groups, cyclists, at mobility advocates bago maglabas ng final na resolusyon ukol sa exclusive motorcycle at bicycle lanes sa EDSA.
Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office head Victor Maria Nuñez, hati ang opinyon ng mga motorcycle groups sa pananatili ng motorcycle lane.
May mungkahi rin ang ilang grupo na payagan ang motorsiklo sa outermost bike lanes.
Sinisiguro naman ng MMDA na papakinggan ang panig ng mga siklista bago gumawa ng desisyon.
Inaasahan namang mailalabas ang resolusyon bago mag-umpisa ang EDSA Rebuild na magsisimula sa June 13 at matatapos sa 2027.