MMDA, nagbabala sa mga motoristang nagtatakip ng plaka para iwas huli sa NCAP

📅 May 30, 2025 12:20 PM PHT  |  ✏️ Updated May 30, 2025 12:20 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 Abiso Trapiko, Latest News, News Light

Nagbabala ang MMDA sa mga motoristang nagtatakip ng plaka para iwas-huli sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ayon sa MMDA, maari pa ring mabisto ang mga ito sa pamamagitan ng pagbabacktrack at pagsusuri sa rutang dinadaanan nito.

Maari rin silang hulihin ng mga nakabantay na traffic enforcer at mabisto sa pamamagitan ng license plate recognition software ang mga gagamit ng pekeng plaka.

Sa oras na mahuli, pagmumultahin ng ₱5,000 at maaring masuspinde ang driver’s license.