Padadalhan na rin ng email at text alerts ang mga motoristang mahuhuli sa paglabag sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang text message ay magmumula lamang sa sender na MMDA_NCAP, habang ang email notification ay mula sa noreply@mmda.gov.ph.
Batay sa datos ng MMDA hanggang noong Hulyo 5, nasa 17,049 na ang bilang ng mga na-validate na lumabag sa NCAP, habang 15,699 na ang napadalhan ng notice.
Samantala, posibleng hindi na ipatupad ang odd-even scheme sa EDSA kapag naisaayos na ito sa susunod na taon at maisapinal na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang teknolohiyang gagamitin para sa EDSA Rehabilitation. (Sarah Lagsac-Arsenio/ News Light)



