Hinimok ni MMDA General Manager Nicolas Torre III ang mga Pilipino na magbisikleta papunta sa kani-kanilang mga trabaho bilang alternatibo sa lumalalang trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Torre, dapat umanong manatiling bukas ang gobyerno sa mga alternatibong transport solutions at pag-aralan ang krisis batay sa kasalukuyang kondisyon. Isa umano sa mga paraan ang paggamit ng bisikleta.
Iginiit pa ni Torre na mahalaga ang mga bike lane at hindi umano ito laging nagagamit sa mga makikipot na daan, kaya dapat ipatupad ang “road sharing.”
Hindi rin umano road access ang problema ng mga siklista, kundi ang kakulangan ng mga pasilidad sa mga workplace, partikular para sa mga empleyadong bisikleta ang gamit papasok ng trabaho.
ADVERTISEMENT
Matatandaang biking ang pangunahing transportasyon noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Ngunit tinanggal na ng ilang city government sa Metro Manila ang mga protected bike lane nang luwagan na ang mga restriction. (Austin Gonzaga/News Light)



