MMDA, inilabas na ang mga traffic interventions sa Marcos Highway | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga iba’t ibang solusyon upang hindi na maulit ang nangyaring gridlock sa Marcos Highway.

Isa rito ang pagpapalit ng mga plastic barriers sa tapat ng isang mall upang maging daanan kung sakaling magkaroon na mabigat na trapiko at makatawid ang mga sasakyan sa Felix Avenue at Mayor Gil Fernando.

Solusyon rin umano ang pansamantalang pagpapatigil ng ginagawang weighbridge malapit dito at pagpapahaba ng mga concrete barrier sa Nicanor Roxas Street upang hindi pumagitna sa pagpasok sa Marcos Highway.

Plano rin na iisang oras na lamang ang susundin ng mga LGU na truck ban at pagdadagdag ng mga signages para sa mga motorista.

ADVERTISEMENT

Inaasahan ng MMDA na sa kanilang mga ginawang solusyon ngayong holiday season sa Marcos Highway, hindi na mauulit ang “carmageddon” na naganap nitong nakaraang Sabado. (Austin Gonzaga/News Light)