Miyembro ng Abu Sayyaf na sangkot sa karahasan sa Zamboanga at Basilan, arestado | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Arestado ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na si Isnaji Hasim, 34, na sangkot umano sa mga karahasang naganap sa Zamboanga City, Basilan, at Zamboanga Sibugay, ayon sa pahayag ng pulisya noong Linggo.

Inaresto si Hasim ng pulisya at militar sa Barangay Muti dahil sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act.

Nakuha sa kanya ang granada, bala ng rifle, at iba pang armas.

Si Hasim ay iniugnay sa pagpatay ng mag-asawa noong 2023, masaker ng walong mangingisda noong 2019, at pambobomba noong 2015 sa lungsod.

ADVERTISEMENT

Sangkot din umano siya sa mga kaso ng kidnapping at beheading sa Basilan at Zamboanga Sibugay.

Ayon sa mga ulat, lumahok rin si Hasim sa ilang sagupaan laban sa militar sa Basilan.