Miss Asia Pacific Int’l 2025 candidates, namahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu

📅

Truly, beauty with a purpose!

Nakiisa ang mga kandidata ng Miss Asia Pacific International 2025 sa paghahanda ng relief goods ngayong huwebes, October 2 na ipamamahagi sa mga naapektuhan ng mga nagdaang lindol sa probinsya ng Cebu.

Matatandaang niyanig ng 6.9 magnitude na lindol ang gala night ng Miss Asia Pacific nitong Martes, September 30 kung saan makikita na kasalukuyang rumarampa sa entablado ang mga kandidata nang bigla silang nataranta at kanya-kanyang takbuhan dahil sa biglaang pagyanig ng lindol sa lugar.

Nasa Cebu ang mga kandidata para sa week-long activities ng naturang pageant bago ang grand coronation night ngayong Oktubre.