Nais paimbestigahan ni Senador Erwin Tulfo ang pagmimina sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.
Kasunod ito ng protestang isinagawa ng mga katutubo at residente roon, kung saan anim na katutubo at isang environmental leader ang inaresto ng mga pulis.
Ayon kay Tulfo, dapat imbestigahan ang Woggle Corporation maging ang Mines and Geosciences Bureau dahil sa permit sa pagmimina na hindi umano ikinonsulta sa LGU.
Aniya, ang mayor at iba pang lokal na opisyal mismo ang nagsabing hindi sila kinonsulta para gawing minahan ang Dupax del Norte.
ADVERTISEMENT
Kung gugulong ang imbestigasyon, hahawakan ito ng Senate committee on local government.



