‘Hindi pa tapos ang hearing.’
Trending ngayon ang latest paandar ng Kapuso comedy genius na si Michael V kung saan tila in-impersonate niya ang kontrobersyal na contractor na si Sarah Discaya sa longest-running gag show sa bansa na ‘Bubble gang.’
Gaganap si Michael V bilang si ‘Ciala Dismaya’
Pinagbigyan na nga ni Bitoy ang panawagan ng mga netizens na i-cover ang kontrobersyal na flood control projects.
Ito’y matapos mapansin ng publiko ang malaking pagkakahawig ng komedyante kay Sarah nang humarap ito sa Senate blue ribbon committee hearing hinggil sa umano’y maanomalyang flood control projects sa bansa.
ADVERTISEMENT
Sa Facebook post ng “Bubble Gang” inilabas nga ang teaser video kung saan makikita ang nakatalikod na si Michael V suot ang kaparehong o-otd ni Sarah Discaya nang humarap ito sa pagdinig ng senado.
Marami namang fans at netizen ang na-excite sa viral video paandar sa Bubble Gang teaser na eere sa Linggo!



