Mga tindahan sa isang mall sa Muntinlupa City inabot ng hanggang-baywang na baha

📅

Niragasa ng hanggang-baywang na baha ang mga tindahan sa isang mall sa Alabang, Muntinlupa City matapos ang matinding pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila nitong Martes ng gabi.

Kanya-kanyang diskarte ang mga tindera sa paglilinis sa kanilang puwesto, pero ang mas matinding problema nila ay ang mga nawasak at inanod na mga paninda.