Mga suspek sa pagpatay sa dalawang SUV driver, arestado sa Cavite at Rizal

📅  |  ✏️ Updated

Arestado ang dalawang suspek sa pagpatay sa dalawang SUV Driver matapos ang inilatag na hot pursuit operation ng Tagaytay City Police, katuwang ang iba pang local police sa Cavite at ibang lalawigan.

Ayon sa ulat, unang nahuli ang suspek na si alias “Junito” sa Angono, Rizal, habang sa Dasmariñas City, Cavite, naman naaresto ang suspek na si alyas “Rufino” sa loob lamang ng isang araw na pagtugis sa mga ito ng pulisya noong April 12.
Dahil dito, natunton din ng kapulisan ang bangkay ni Dexter Roales sa masukal na bahagi ng Alfonso, Cavite at natagpuan din ang SUV ng mga ito sa lalawigan ng Batangas.

Mababatid na unang natagpuan ang bangkay ni Ruel Roca sa lungsod ng Tagaytay na nagbunsod sa masusing imbestigasyon at matagumpay na operasyon ng Tagaytay City Police.

Sa ngayon, ang mga suspek ay nakakulong na at sinampahan ng kasong Robbery with homicide, habang nakatutok naman ang pulisya sa paghuli sa utak ng naturang krimen.

ADVERTISEMENT