Mga sirang timbangan sa palengke sa Batangas City, winasak

📅  |  ✏️ Updated

Aabot sa 40 depektibong timbangan sa palengke sa Batangas City ang sinira ng Office of the City Market Administrator.

Ayon sa market admin, ito’y upang matiyak na tama ang kinikilo at maging mas mataas ang kalidad ng produktong mabibili sa pamilihan sa nasabing lugar.

Iginiit naman ng lungsod na regular umano ang kanilang ginagawang suprise inspection sa mga palengke.